Bobbyscopes hatid ni Bobby Lu

BOBBYSCOPES 06/29/18
ARIES (March 21 – April 19) Dapat na maging maingat sa iyong mga hakbangin upang hindi ka magsisi sa huli. Magpapaload ka ng malaki ngayong araw at excited na magtetext sa iyong minamahal. At ganun ganun na lamang mauubos ang load mo dahil ungas, kinalimutan mong mag-unli!
TAURUS (April 20 – May 20) Mas makakabuti kung tatanggapin mo na lamang na kailanman ay hindi ka mananalo sa iyong kapareha. Nagalit siya, nagsorry ka,nagalit ka, galit din siya. Wow!
GEMINI (May 21 – June 20) Mapagtatanto mo na hindi lahat ng nakikita ng iyong mga mata ay totoo. Nagmamadali mong bubuksan ang lalagyan ng ice cream sa inyong freezer mamaya, at malalaman mong, galunggong pala ang laman non!
CANCER (June 21 – July 22) Matuto kang pumili ng kaibigang pagkakatiwalaan. Sapagkat hindi lahat ng nangangamusta sayo ay talagang may pake, madalas, gusto lang nilang mangutang.
LEO (July 23 – August 23) Tama na ang pagiyak para sa taong nanakit sayo. Bata ka pa at marami pang darating na bagong tao sa buhay mo para saktan ka ulit. Masanay ka na oy!
VIRGO (August 23 – Sept 22) Panahon na para maging mapagmatyag sa ikinikilos ng iyong kapareha. Hindi pagiging gentleman ang madalas niyang paghalik sa noo mo. Ibig lang sabihin non, ang baho talaga ng hininga mo!
LIBRA (Sept 23 – Oct 22) Huwag masyadong maraming sinasabi. Mapag tsi tsismisan ka ng mga kapitbahay mong tsismosa at sasabihin tsismosa ka.
SCORPIO (Oct 23 – Nov 21) Masarap mag isip ng mga bagay bagay ngayong araw. Maraming tatakbo sayong isipan, hanggang marinig mo ang nag sisisigaw mong nanay at sasabihan kang tamad
SAGITARIUS (Nov 22 – Dec 1) Excited ka sa araw na ito, at sa sobra mong excited dun mo mapapansin na naiwanan mo ang wallet mo sa bahay.
CAPRICORN (Dec 22 – Jan 19) Wag masyado mag lagay ng pagkain sa iyong Ref. Dahil mamayang gabi, kakainin yan ng mga tao sa bahay niyo dahil matatakaw sila.
AQUARIUS (Jan 20 – Feb 18) Mahihirapan kang intindihin sila, pero tatango ka lang para kunyari naiintindihan mo.
PISCES (Feb 19 – March 20) Bilangin mabuti ang pera bago matulog, mataas ang tiyansa na kinukupitan ka ng anak mo o ng mister mo, para kapag nahuli mo, boom pingot ang kapalit.

Facebook Comments