NAKA POSISYON NA | Mga paghahanda para sa paparating na Bagyong Rosita, nailatag na ng NDRRMC

Manila, Philippines – Naka posisyon na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC paghahanda sa paparating na bagyong Rosita.

Ayon kay NDRRMC Spokesman Dir. Edgar Posadas, mahigpit ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ahensya ng Pamahalaan lalo sa ndrrmc na dapat ay hindi na maulit pa ang bangungot na inihatid ng nakalipas na bagyong Ompomg.

Sinabi pa ni Posadas na mahigpit na pinapa tutukan ng Pangulo ang mga nakalatag na paghahanda at ang ikakasang Search and Rescue Operations gayundin ang paghahatid ng tulong sa lahat ng mga maaapektuhan.


Kasunod nito, inabisuhan ng NDRRMC ang mga Lokal na Pamahalaan lalo na ang mga Alkalde na manatiling nakaantabay sa anumang pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan

Mula sa Clark, inilipat ng NDRRMC sa kanilang Punong Tanggapan sa Kampo Aguinaldo ang Staging Areas kung saan magmumula ang lahat ng ipadadalang tulong sa mga apektadong lugar

Kaninang alas otso ng umaga naman ay nakataas na sa red alert status ang NDRRMC.

Facebook Comments