NAKAAALARMA | Suspected cases ng measles na naitala sa Davao City, umakyat na sa higit 200

Davao City, Philippines – Umakyat na sa 224 ang suspected cases ng measles o tigdas ang naitala ng Department of Health sa Davao City, mula Nobyembre hanggang ngayong Enero.

Ayon kay Health Assistant Secretary Abdullah Dumama, Director of the Department of Heath sa Southern Mindanao Region, sa mga suspected cases na ito, 17 pa lamang ang kumpirmadong tigdas.

Gayunpaman, nakakaalarma aniya ang bilang na ito lalo’t apat sa mga ito ay nasawi.


Sa kasalukuyan, hindi pa aniya natutukoy kung saan nagmula ang measles virus, ngunit malaki aniya ng iniambag sa mabilis nitong pagkalat ay ang low immunization coverage ng mga residente.

Ayon kay Dumama, 119 sa mga tinamaan ng tigdas ay hindi nabakunahan noong sanggol pa lamang.
Bilang tugon, nasa 13 libong mga kabataan na aniya ang binakunahan nila ng anti-measles vaccine sa Davao City, at nagpapakalat na rin sila ng mga impormasyon kaugnay sa sakit na ito.

Facebook Comments