Nakaambang krisis sa pensyon ng military and uniformed personnel, ibinabala

Nagbabala ngayon si Albay Representative Joey Salceda kaugnay sa nakaambang krisis sa pension system ng Military and Uniformed Personnel (MUP).

Ito ay matapos na mapag-alaman ng Committee on Ways and Means na aabot sa P9.6 trillion ang unfunded reserve deficit ng pension system ng MUP.

Ayon kay Salceda, walang contribution ang mga uniformed personnel at may mataas din na pensyon ang MUP kumpara sa mga sibilyan.


Giit pa ng mambabatas, ang taongbayan ang nagsa-subsidized sa pension fund ng MUP sa ilalim ng taunang national budget.

Batay sa 2021 General Appropriations Act (GAA), nasa P152.9 billion ang inilaan para sa pensions ng MUP.

Bunsod nito, inihain ni Salceda ang House Bill No. 9271 o ang Fiscal Framework for the MUP Pension System na may layong solusyonan ang nasabing problema.

Facebook Comments