Manila, Philippines – Naka-uwi na ng Pilipinas ang nasa 87 Overseas Filipino Workers (OFW) mula kuwait kasama ang ilang opisyal ng gobyerno kagabi.
Hinatid sila pauwi ng bansa nina Presidential Spokesperson Harry Roque, Labor Secretary Silvestre Bello III, dating labor Secretary Marianito Roque, Labor Attache Rustico Dela Fuente at Deputy Chief of Mission sa Kuwait Mohd Noordin Lomondot.
Ito ang ikalawang batch ng mga Pilipinong manggagawang nakauwi matapos magwakas ang amnesty program noong April 22.
Galing ang mga OFW mula sa shelters ng embahada ng Pilipinas sa Kuwait.
Makakatanggap ang mga OFW ng tig-5,000 pesos mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) at tig-5,000 pesos sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ay nag-aalok ng 20,000 pesos cash assistance sa mga nais magtayo ng bagong kabuhayan o negosyo.
Sasagutin na rin ng gobyerno ang temporary shelter at pamasahe ng mga OFW pauwi sa kanilang bahay.