NAKABALIK NA | Tiangong-1 space station ng China, bumagsak na pabalik ng mundo

China – Bumagsak na pabalik sa mundo ang Tiangong-1 space station ng China.

Ayon sa Chinese Manned Space Agency, nasunog na ang ilang bahagi ng lumang space lab sa kalawakan bago pa man ito nag-landing sa gitna ng South Pacific.

Una nang tiniyak ng Beijing na malabong bumagsak sa populated area ang mga durog na bahagi ng kanilang space station.


Taong 2011 nang ilunsad ng China ang Tiangong-1 na tinaguriang “heavenly palace” bilang bahagi ng layon nitong magkaroon ng permanent station na target sana sa 2022.

Facebook Comments