Nakabinbing Mga Benepisyo Ng Mahigit 100 Ofws Na Nawalan Ng Trabaho Sa Saudi Arabia, Nai-Release Na

12

SAUDI ARABIA – Nakuha na ng mahigit isang daang Pilipinong manggagawa ng Saudi Bin Laden Group ang kanilang hinihintay na sweldo at mga benepisyo.Kabilang dito ang kanilang end of service benefits matapos ang tatlong buwang paghihintay.Sa ngayon exit visa na lamang ang kanilang hinihintay para makauwi ng Pilipinas.Ang ilan naman ay tumatanggi munang umuwi sa kanilang pamilya at sa halip ay naghahanap pa ng malilipatang kumpanya sa Saudi Arabia.Ilang tauhan ng Department of Labor and Employment ang nagtungo sa Jeddah para personal na makipagnegosasyon sa naturang benepisyo ng mga ofws na nawalan ng trabaho.

Facebook Comments