NAKAHANDA | DFA, nakahandang pauwiin ang mga Pinoy sa syria

Manila, Philippines – Nakahanda ang Department of Foreign Affairs na bigyang ayuda ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nagtatrabaho at naninirahan sa Syria.

Ito ay matapos ang missile strike na inilunsad ng magkaka alyadong United States, United Kingdom at France laban sa Syria.

Ayon sa DFA nakahanda anumang oras ang ating embahada para sa mga Pinoy na natatakot para sa kanilang buhay at nais muna bumalik sa Pilipinas.


Kasunod nito kinumpirma ng DFA na walang Filipino casualties sa nasabing missile attack.

Nasa ligtas ding sitwasyon ang nasa 1,000 Pinoy Sa Syria

Pero patuloy parin ang monitoring ng DFA sa kalagayan ng ating mga kababayan sa nasabing bansa.

Ginawa ang pambobomba sa Syria bilang tugon sa diumano ay paggamit ng gobyerno nito ng chemical weapons na ikinasawi ng ilang indibidwal.

Facebook Comments