NAKAHANDA NA | Senate President Koko Pimentel, walang planong maging kapit tuko sa posisyon

Manila, Philippines – Nakahanda na si Senate President Koko Pimentel na bakantehin ang kanyang pwesto bilang pinuno ng senado.

Bilang patunay sabi ni Pimentel magsasagawa ng caucus sa Lunes ang grupo ng mayorya sa senado para pag-usapan ang pagpapalit ng liderato.

Una rito, lumagda sa isang resolusyon ang labing apat na miyembro ng majority bloc na humihiling na bumaba sa pwesto si Pimentel.


Nakasaad sa resolusyon na gusto ng majority bloc sa senado na umupo bilang senate president si Sen. Tito Sotto.

Nauna na ring umugong ang mga report na si Senador Juan Miguel Zubiri ang papalit sa iiwang pwesto ni Sotto bilang majority leader.

Sakaling matuloy ang pagpapalit ng liderato sa Lunes, sinabi ni Pimentel na hindi sasama ang kanyang loob dahil kahit noong siya ay mag-assume pa lamang sa posisyon bilang pinuno ng senado ay sinabi na niyang hindi siya magiging kapit-tuko dito.

Facebook Comments