NAKAHANDA | PNP units sa Luzon, magtataas sa full alert status simula bukas

Manila, Philippines – Epektibo alas -6:00 ng umaga bukas ay iniutos na ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde ang pagtataas sa full alert status sa lahat ng PNP units sa Luzon.

Ito ay upang matiyak na nakahanda na ang mga resources at mga pulis sa buong Luzon para sa disaster response operations lalo na sa mga lugar ba lubhang masasalanta ng bagyong Ompong.

Ayon kay Albayalde, partikular nyang pinaalerto ay ang mg tauhan ng PNP Special Action Force, PNP Maritime, Police Community Relations Group,PNP Heath Service at maging ang mga PNP Regional at Provincial Police Station.


Lahat aniya ng mga resources at personnel ng mga unit na ito ay pinaghahanda ni Albayalde.

Direktiba rin ni PNP Chief sa mga pulis sa Luzon na mahigpit na makipag ugnayan sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC at Local government unit para matukoy ang mga pangangailan pang paghahanda.
Sa national headquarters naman sa Camp Crame ay ang PNP Critical Management Committee ang mahigpit na nagmomonitor sa mga sitwasyon ng mga tutumbukin ng bagyong Ompong.

Facebook Comments