TIWALA | Secretary Go, kayang depensahan ang sarili sa Senado – ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Malaki ang tiwala ng Palasyo ng MalacaƱang na kayang depensahan ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go ang kanyang sarili sa ikinasang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa akusasyon ni Senador Antonio Trillanes IV sa mga sinasabing kontratang nakuha ng kanyang pamilya sa gobyerno.

Nabatid na naghain na ngayong araw ng resolusyon si Trillanes na humihiling sa Senado na imbestigahan ang posibleng conflict of interest sa pamilya ni Secretary Go.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, naniniwala sila na walang conflict of interest sa trabaho ni Go at ng negosyo ng kanyang pamilya.


Binigyang diin ni Roque na malaya naman ang Senado na gawain ang kanilang nais na gawin at handa at bahala naman si Go na pasinungalingan ang mga ibinibintang sa kanya.
Una nang hinamon ni Go si Trillanes na madaliin ang pagpapaimbestiga sa kanya ng Senado upang makaharap na siya at linawin ang issue na ibinabato ni Trillanes.

Facebook Comments