NAKAHANDA | Senado, handa pa ring magsagawa ng impeachment trial para kay CJ Sereno

Manila, Philippines – Handa ang Senado na magsagawa ng impeachment trial kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno sakaling i-akyat sa kanila ng kamara ang articles of impeachment.

Ito ang inihayag ni Senate President Koko Pimentel sa kabila ng pagpabor ng Supreme Court sa quo warranto petition na nagpapatalsik kay CJ Sereno.

Ayon kay Pimentel, malinaw sa konstitusyon na maaari lang mapatalsik ang impeachable officer sa pamamagitan ng impeachment proceedings na magmumula sa mababang kapulungan.


Sa ngayon ay nasa kamay aniya ng Kamara ang susunod na magiging hakbang ng Senado.

Dagdag pa ni Pimentel, mali ang ginagawang pangangalampag sa Senado ng coalition for justice dahil wala pa naman sa kanila ang impeachment case ni Sereno.

Facebook Comments