NAKAKABILIB! | Lalaki sa New York, nag-uwi ng bagong record

New York – Isang lalaki mula sa New York ang hinahangaan ngayon matapos makasungkit ng bagong record sa Guinness world.

Nakuha ni Ashirta Furman ang record sa pinakamaraming nahiwang pakwan na nasa ibabaw ng kaniyang tiyan sa loob ng isang minuto.

Nabatid na aabot sa 26 na pakwan ang nahiwa ni Furman habang siya ay nakahiga gamit ang isang napakatalas na samurai nang hindi man lang nasugatan.


Napag-alaman na si Furman ay nakakuha na ng mahigit 600 na Guinness world record kug saan 200 dito ay wala pang nakakatalo.

Facebook Comments