Manila, Philippines – Umakyat na sa mahigit 55,000 na mga manok, itik at pugo ang nakatay sa nagpapatuloy na proseso ng culling sa mga apektadong farm sa San Luis, Pampanga.
Ayon kay Vice Governor Dennis Pineda, labing tatlong poultry farms na ang natatapos nilang isailalim sa culling.
Nasa 35 na growers ang naunang nagdeklara kahapon na maisailalim sa culling ang kanilang mga manok sa isang pulong kay Agriculture Secretary Manny Pinol.
Ayon pa kay Pineda, kinakailangan munang matapos ang culling bago masimulan na mabayaran ang mga poultry growers.
May naitalagana bibilang sa maipiprisintang bawat paa ng manok na pagbabatayan ng pagkwenta.
Inisyal na 50 million ang inihahanda ng Department of Agriculture para sa mga apektadong farmers at growers. Nakapaloob dito ang P20,000 no-interest loan at P5,000 na loan assistance.
Ang mga growers na kusang isusuko ang kanilang mga alaga para sa culling ay babayaran ng P80 per head sa layers, para sa broilers, 50-60 pesos ang pugo 10 pesos per head.