Nakalaang pondo ng OWWA ngayong taon, posibleng maubos na sa susunod na buwan

44

Posibleng maubos na sa kalagitnaan ng buwan ng Mayo ang pondong nakalaan para sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Sa interview ng RMN Manila kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, nasa ₱6.2 billion ang pondo ng ahensiya para sa kasalukuyang taon pero hindi nila inaasahang mas magiging malaki ang gastos ngayon lalo na sa mga umuuwing Overseas Filipino Workers (OFWs).


Paliwanag ni Cacdac, kung dati kasi ay 3 araw lamang namamalagi ang mga OFWs sa quarantine facilities ay mas matagal na ngayon dahil sa bagong variants.

Sa ngayon aniya ay humiling na sila sa Kongreso na magpasa ng supplemental budget na nagkakahalaga ng ₱9.8 billion.

Facebook Comments