NAKALABAS NA | Typhoon Ompong, napanatili ang lakas habang patungo ng Southern China

Manila, Philippines – Patungo na ng Southern China ang typhoon Ompong.

Huling namataan ang bagyo sa layong 570 kilometers, silangan ng Basco, Batanes.

Napanatili nito ang lakas ng hanging aabot sa 145 kilometers per hour at pagbugsong nasa 180 kilometers per hour.


Kumikilos ito kanluran – hilagang kanluran sa bilis na 25 KPH.

Inalis na ang lahat ng tropical cyclone warning signals.

Kahit nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo, hahatakin nito ang hanging habagat na magdadala ng mahina hanggang sa katamtaman at paminsan-minsan na malalakas na ulan na may kasamang hampas ng hangin sa Western Visayas, MIMAROPA, Ilocos Region, Batangas, Bataan, at Zambales.

Asahan pa rin ang mga pagbahan sa mga mabababang lugar at malalapit sa mga ilog.

Pinapayuhan din ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat na huwag nang pumalaot sa hilaga at kanlurang baybayin ng Luzon.

Facebook Comments