Base sa datos ng Manila City Government License Division, nasa 491 taxpayers na ang nakapagbayad ng kanilang mga business tax, simula nang ipatupad ang General Community Quarantine (GCQ) nitong June 1, 2020.
Kaugnay nito ay ipinaalala ng Manila City Government ang pagsusuot ng mask sa lahat ng oras at pagsunod sa physical distancing para sa mga pupunta sa Business One-Stop Shop office sa ground floor ng Manila City Hall.
Ayon sa pamahalaang lokal, maaari ring magbayad ang mga taxpayers gamit ang website na www.cityofmanila.ph o di kaya naman sa GO MANILA APP.
Kaugnay nito ay muling pinapaalala ng pamunuan ng license division na ang pagbabayad para sa second quarter ng business tax ay extended hanggang June 30, 2020.
Facebook Comments