Tuesday, March 10, 2026

NAKAPARADANG KOTSE, TINAMAAN NG GULONG NG UMAANDAR NA TRAK SA STA. BARBARA

Nasira ang isang nakaparadang sasakyan matapos tamaan ng natanggal na gulong mula sa isang truck sa kahabaan ng national road sa Barangay Tuliao, Sta. Barbara, Pangasinan bandang 8:05 ng umaga noong Marso 8, 2026.

Sangkot sa insidente ang isang truck na minamaneho ng isang lalaki mula Trece Martires City, Cavite.

Ang natamaan naman ay isang nakaparadang sedan na pagmamay-ari ng isang lalaking residente ng Barangay Tuliao, Sta. Barbara.

Batay sa paunang imbestigasyon, patungong kanluran ang truck at nasa inner lane nang biglang matanggal ang unang kanang likurang double wheel nito. Tumilapon ang gulong at tumama sa nakaparadang sedan na nasa shoulder lane ng kalsada.

Dahil sa pangyayari, napinsala ang sedan na kasalukuyang hindi pa matukoy ang kabuuang halaga ng pagkukumpuni.

Samantala, ang dalawang sangkot na sasakyan ay dinala sa Sta. Barbara Municipal Police Station (MPS) at nasa kustodiya na ng mga awtoridad para sa kaukulang disposisyon at karagdagang imbestigasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments