NAKASENTRO | Rescue teams ng PNP, nakatutok na sa relief at rehabilitation operations

Manila, Philippines – Nakasentro ngayon sa relief at rehabilation operations ang mahigit apat na libong pulis na ideneploy ng Philippine National Police sa ibat ibang lugar sa Luzon na nakararanas ng mataas na pagbaha.

Ayon kay PNP Spokesperson Sr. Supt. Benigno Aquino, ang mahigit apat na libong mga pulis ay kabilang sa disaster-response capable units na tumutulong sa local government unit para magbigay ng tulong sa mga residenteng nanatili sa mga delikadong lugar ngayong masama ang panahon.

Kaugnay nito nag- inspeksyon si PNP Chief, Director General Oscar Albayalde, sa mga lugar sa Luzon at Metro Manila na sinalanta ng habagat gamit ang PNP Chopper.


Ginawa ni Albayalde ang inspeksyon upang matukoy kung kakailanganin pang magdeploy ng dagdag na tao para sa ginagagawang relief at rehabilitation operations.

Kahapon nakasentro sa search and rescue operation ang PNP rescue teams dahil sa pagtaas ng baha sa ilang mga lugar sa Metro Manila at Luzon.

Facebook Comments