NAKATAKAS | Isang drug suspect, patuloy na pinaghahanap matapos makatakas sa ikinasang operasyon ng PNP sa Sultan Kudarat

Sultan Kudarat – Patuloy na pinaghahanap ang isang lalaking drug pusher matapos itong makatakas sa ikinasang operasyon ng PNP sa Purok Rang-Ay, Barangay Poblacion, Lambayong, Sultan Kudarat.

Sa ulat, nakatunog ang target ng operasyon na si Toto Flores kung saan mabilis itong nakatakas bago pa man dumating ang mga otoridad.

Hinalughog naman ang bahay nito at dito narekober ang isang box na may lamang anim na pakete ng shabu, isang papel na may lamang marijuana at isang granada.


Sa ngayon, nagkasa na ng manhunt operation ang PNP para matukoy kung saan ito nagtatago.

Facebook Comments