ROAD CRASH | Dalawang sakay ng motorsiklo, patay matapos makabangaan ang isang pick-up truck sa Cagayan

Cagayan – Patay ang dalawang sakay ng isang motorsiklo matapos makasalpukan ang isang pick-up truck sa Ballesteros, Cagayan.

Nakilala ang mga nasawi na sina Johnny Flores at Crusaldo Butay habang ang driver ng pick-up ay si Wendell Francisco.

Nangyari ang insidente sa pakurbadang daan sa nasabing lugar kung saan tumilapon ang mga biktima na nagtamo ng injury sa kanilang ulo habang ang kanilang motorsiklo ay pumailalim sa pick-up truck.


Kusa naman sumuko ang driver ng pick-up truck at iginiit na aksidente ang lahat ng pangyayari.

Facebook Comments