Nakatakas na mga preso sa isang rehabilitation center sa Malolos, Bulacan – pinaghahanap na ng pulisya

Manila, Philippines – Pinaghahanap na ng pulisya ang nakatakas na labing anim na batang preso sa isang rehabilitation center sa Malolos, Bulacan.

Sa imbestigasyon, sa bintana ng banyo dumaan ang dalawamput tatlong preso ng tanglaw pag-asa youth rehabilitation center.

Hindi namalayan ng mga bantay ang ginagawa ng mga preso kung saan isang guwardiya ng katabing bulacan state university ang nakakita sa mga tumakas.


Agad namang napigilan ang pitong kabataan at dinala sa ospital kung saan sumailalim sila sa physical examination.

Nasa edad katorse hanggang bente uno anyso ang mga nakatakas na may mga kasong kinasasangkutan tulad ng theft, rape, drugs at murder.

Facebook Comments