Nakatakas na preso ng Ormoc City Jail, sumuko na sa otoridad

153

Ormoc, Philippines – Sumuko na sa awtoridad ang inmate ng Ormoc City Jail na tumakas habang nagpapagaling sa Ormoc District Hospital noong nakaraang Linggo.

Ayon kay Jail Senior Superintendent Edwin Riel, Regional Director ng Bureau of Jail management and Penology sa Eastern Visayas, sumuko sa mga opisyal ng barangay Andres Bonifacio sa Cadiz City sa Negros ang presong si Christopher Mejares.


Si Mejares ay naibalik na sa kustodiya ng Ormoc City jail upang harapin muli ang kasong murder.

Matatandaan na tumakas sa ospital si Mejares habang nagpapagaling matapos na maoperahan sa tiyan noong Disyembre 2016.

Inaalam pa rin kung paano nakatakas si Mejares at kung paano din ito napunta sa Negros.

DZXL558




Facebook Comments