Residential area sa Dasmariñas City sa Cavite, tinupok ng apoy kagabi

Cavite, Philippines – Isang residential area ang natupok matapos na sumiklab ang apoy sa DasmariƱas City sa Cavite.

Inabot ng ika-apat na alarma ang sunog na sumiklab sa Sanitary Compound, Barangay Sta. Lucia.

Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahaydahil dikit-dikit at gawa sa light materials ang mga ito.


Tinatayang nasa 100 hanggang 150 ang natupok na mga bahay kung saan dalawa ang naitalang nagtamo ng minor injuries at naisugod na ang mga ito sa pagamutan.

Inaalam pa ang bilang ng mga nawalan ng ari-arian at ang halaga ng kabuuang pinsala habang patuloy pa din ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa pinagmulan ng apoy.

DZXL558

Facebook Comments