Manila, Philippines – Nakatakadang isagawa ng Makati City government at isang pribadong kompanya ang groundbreaking ceremony para sa subway project nito sa Disyembre.
Ang 10-kilometer urban rail system ay nagkakahalaga ng 3.7-billion dollars o katumbas ng mahigit 197-billion pesos.
Layon ng subway project na maibsan ang matinding traffic sa lungsod.
Bubuuin ito ng sampung underground stations na magkokonekta sa Ayala Avenue, Makati City Hall, Poblacion Heritage Site, University of Makati, ospital ng Makati at iba pang mga business zones sa lungsod.
Ayon kay Mayor Abby Binay – tanging lupa lang ang sasagutin ng lokal na pamahalaan habang sasagutin ng IRC Properties Inc. ang pagpapatayo, pag-o-operate at pagme-maintain sa mass rail system.
Tinatayang nasa 700,000 pasahero ang maseserbisyuhan nito na target matapos sa 2025.
At dahil underground, tiniyak ng Alkalde na walang mangyayaring road closure oras na simulan na ang proyekto.