Pangulong Rodrigo Duterte, may seryosong banta sa buhay – ayon sa PNP

Manila, Philippines – Totoong may banta sa buhay ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde.

Pero paliwanag ni Albayalde normal na may banta sa buhay ng isang Pangulo.


Ang mga banta aniyang ito ay mula sa intelligence report na kailangan pa i-validate.

Hindi na rin daw bago ang mga bantang ito, dahil sa simula aniya ng kampanya kontra droga ng pamahalaan ay may mga natatangap ng banta sa buhay ang Pangulo.

Posible aniyang galing ang mga banta sa underground communist movement, local terrorist organization at foreign entities na nais mawala sa mundo ang Pangulo.

Pero ang mahalaga aniya ay lahat ng banta sa buhay ng Panulo ay sineseryoso ng Philippine National Police.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang speech sa Cebu na maaring Central Intelligence Agency ng Estados Unidos ang nais pumatay sa kanya.

Naniniwala raw kasi ang Pangulo na Nakikinig sa kanyang mga pahayag ang US.

Facebook Comments