NAKATAKDA NA | Ika-2 batch ng barangay narco list, ilalabas ng PDEA

Manila, Philippines – Nakatakdang ilabas ng Philippine Drug Enforcement Agency anumang araw ngayong buwan ang ikalawang batch ng mga pangalan ng elected barangay officials na nasa narco list.

Ayon kay PDEA Director III Wilkins Villanueva – Aabot sa 274 barangay officials ang nasa second batch ng narco list na hawak ng apat na intelligence agencies.

Sa ngayong ay patuloy aniya ang validation sa mga ito.


Tiniyak din ni Villanueva na hindi lang paglalabas ng pangalan ang kanilang plano kundi sasampahan din nila ng kaso ang mga nasa Validated narco-politicians.

Ang PDEA ay binatikos ngayon dahil sa kawalan umano ng right to privacy ng mga suspected barangay narco-politicians, pero sinabi ni Villanueva na paninindigan nila ito dahil mas nananaig ang interes ng publiko.

Facebook Comments