Cauayan City, Isabela – Hindi muna matutuloy ang nakatakdang National Muslim Congress sa Lungsod ng Cauayan, Isabela.
Ito ang ginawang paanunsiyo ni Cauayan City Mayor Bernard Faustino Dy sa panayam ni Jaydizon Dundao ng RMN affiliate station DWDY.
Ang National Muslim Congress sana ang pinakamalaking pagtitipon na gagawin sa lungsod ng Cauayan kapag ito ay tuloy sa Oktubre 27 at 28, 2017.
Magpagayunpaman ang naturang aktibidad ay ipinagpaliban muna at nagpaabiso ang alkalde na ipapabatid din kung kailan ito matutuloy.
Ang National Muslim Congress na naunang itinakda sa ika 27 at 28 ng buwang ito ay nauna nang pinaghandaan ng lokal na pamahalaan at mga kapulisan dahil sa inaasahang libo-libong dadalo sa okasyong ito.
Magugunita na ang lungsod ng Cauayan ay naging punong abala din sa isang malakihang pagtitipon na National PESO Congress sa unang bahagi ng Oktubre na dinaluhan ng isang libong delegado mula sa ibat ibang bahagi ng bansa.