Nakatakdang pagdedeklara ng tigil putukan ng CPP-NPA, hindi pinansin ng Armed Forces of the Philippines

Manila, Philippines – Tuloy pa rin ang opensiba ng Armed Forces of the Philippines laban sa New People’s Army.

Ito ay sa kabila ng anunsyo ng Communist Party of the Philippines na magdedeklara sila ng unilateral ceasefire bago matapos ang buwan ng Marso.

Sabi ni AFP Chief of Staff Brig. Gen. Eduardo Año, nakadepende kasi kay Pangulong Rodrigo Duterte ang magiging desisyon kung kailan sila magpapatupad ng tigil putukan.


Mawawalan ng saysay aniya ang idedeklarang ceasefire ng NPA kung itutuloy pa rin ng mga ito ang kanilang extortion activities at panununog ng heavy equipment.

Muli ring binigyang diin ni Año na hindi hahayaan ng AFP at Philippine National Police na patuloy na lumabag sa batas ang komunistang grupo at patuloy na madamay ang mga inosenteng tao sa komunidad.

Facebook Comments