Nakatanggap ng libreng Prepaid Home Wi-Fi mula sa Radyo Trabaho, nasa 21 na

21 na mga masusugid na tagapakinig ang masuwerteng nanalo sa ‘Wi-Fi Mo, Sagot ng Radyo Trabaho’ promo.

Kabilang dito ang tatlong bagong winners na pinuntahan ngayong araw ng mga anchor ng Laughter is the Best Magazine Show (LBMS).

Bitbit ang Radyo Trabaho bags, na naglalaman ng Prepaid Home Wi-Fi at Radyo Trabaho souvenirs, nilusob ng LBMS team ang mga bahay ng winners para personal na maibigay ang mga premyo.


Nagpapasalamat naman sina Lalyn Celebre ng Quezon City, Christian Nocon at Elyn Quijada Vidal ng Tondo, Maynila dahil sa kanilang natanggap na pamasko.

Anila, makakatulong ito sa pag-o-online class ng kanilang mga mahal sa buhay.

Samantala, abangan naman bukas ang week 14 raffle draw para malaman ang susunod na mananalo at makakatanggap ng libreng Wi-Fi mula sa Radyo Trabaho.

Facebook Comments