Nakatenggang pondo sa PITC, pinapalaan sa COVID-19 vaccines

Iminungkahi ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan na ilaan sa COVID-19 vaccines ang P33.4 billion na nakatenggang pondo ng ibang ibang ahensya sa Philippine International Trading Corp. (PITC).

Ayon kay Pangilinan, pwede itong gawin sa pamamagitan ng isang executive order na mag-aatas sa PITC na ibalik sa National Treasury ang nabanggit na bilyun-bilyung pisong halaga ng pondo.

Suhestyon ito ni Pangilinan sa kakulangan ng pondo para mabigyan ng bakuna laban sa COVID-19 ang 60 million mga Pilipino kung saan aabot sa 73.2 bilyong piso ang kalailanganin.


Ipinaliwanag ni Pangilinan na kung maisasaktuparan ang kanyang mungkahi ay maaaring hindi na mangutang ang gobyerno pambili ng bakuna laban sa COVID-19.

Facebook Comments