NAKAUWI NA | 260 distressed OFWs galing Kuwait, dumating na sa bansa

*Manila, Philippines – Dumating na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 ang nasa mahigit dalawang daan distressed OFWs mula Kuwait.*

*260 OFWs ang dumating kaninang 8:06 ng umaga sa NAIA sakay ng Philippine Airlines flight PR 669.*

*Sinalubong ang mga ito ng OWWA repatriation team sa pangunguna ni OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, Deputy Administrator Arnel Ignacio at Atty. Raul Dado ng DFA para alalayan sa customs at immigration documentation formalities.*


*Matatandaan na ipinag utos ni Pangulong Duterte ang total ban ng deployment ng mga mangagawa sa Kuwait, kasunod ng mga kaso ng mga pang aabuso sa OFWs duon, partikular sa mga household service worker.*

*Pinakahuli nga dito ang kaso ng isang Pinay na isinilid ang bangkay sa loob ng freezer ng mahigit sa 1 taon.*

*Sa datos ng DFA umaabot na sa 181 na OFWs ang naibalik sa Pilipinas mula Kuwait dahil sa Amnesty Program ng magsimula nuong a dos ng Pebrero.*



Facebook Comments