NAKAUWI NA | 54 repatriated OFW mula Saudi Arabia, balik Pilipinas na

Manila, Philippines – Nakauwi na ng Pilipinas ang 54 na distressed OFW mula Saudi Arabia na kabilang sa mga tinulungan ng gobyerno para makabalik ng bansa.

Sinalubong sila nina Labor Secretary Silvestre Bello at OWWA Deputy Administrator Brigido Dulay sa NAIA Terminal 1.

Sinabi ni Sec. Bello na kabuoang 10 libong pisong tulong na ang naibigay na sa mga nakauwing Pinoy at ang 10 libong piso pa ay ibibigay direkta sa pamilya ng mga OFW.


Ayon kay Sec Bello, bukod pa dito ang Educational Scholarships sa mga anak ng mga OFW.

Bukod dito, sinabi ni OWWA Deputy Administor Dulay na may livelihood package rin na ibibigay sila sa mga balik bansa na OFW na nagkakahalaga ng 20 thousand pesos.

Facebook Comments