Dakong alas onse y media ng dumating sa kanilang bahay sa Barangay Mayamot Antipolo City si Senator Antonio Trillanes IV matapos ang halos isang buwan pananatili sa Senado.
Una rito bago nilisan ang Senado nagpatawag muna ng presscon at binanggit niya ang ilan sa kanyang plano na magpahinga muna siya kasama ang kanyang pamilya at sa mga susunod na araw ay aasikasuhin naman ang mga isyu sa kanyang kinakaharap na kaso.
Ayon kay Trillanes kung hindi raw nangyari ang kinakaharap niyang sitwasyon hindi niya malaman na marami pa lang nagmalasakit na Pilipino sa kanya.
Paliwanag ng senador na iniisip niya na kokonte lang ang mga sumisimpatya sa kanya pero nakita niya na marami pa lang Pilipino ang nagmamalasakit kaya lalong tumitibay ang kanyang panindigan laban kay Pangulong Duterte.
Dagdag pa ng senador na ang advantage lang niya ay nailabas daw nito ang katotohanan at kung hindi pinag-tutuunan ng atensyon ng media baka natabunan na ng ibang isyu ang Duterte Administration.