TSUNAMI | 384 kumpirmadong nasawi sa Indonesia

Indonesia – Umabot na sa 384 ang mga nasawi sa pagyanig ng 7.7 magnitude na lindol at pagragasa ng tsunami sa Sulawesi at Palu, Indonesia.

Ayon kay Sutupo Purwo Nugroho, tagapagsalita ng disaster management agency ng Indonesia, posibleng tumaas pa ang bilang ng mga namatay at nasaktan.

Hirap ang gobyerno ng Indonesia na makakuha ng totoong pinsala sa Sulawesi at Palu City dahil hanggang ngayon ay wala pa rin kuryente at komunikasyon sa mga lugar na nilindol at dinaanan ng tsunami.


Daang-daang katao pa ang kasalukuyang ginagamot sa ibat-ibang ospital. Karamihan sa mga ito ay nasa labas ng mga pagamutan dahil na rin sa posibleng aftershocks ng lindol.

Pinangangambahan din marami pa ang naipit at natabunan sa mga gumuhong gusali sa Palu City.

Facebook Comments