Iran – Matagal nang may tensyon sa relasyon ng Iran at Israel.
Pero sino ba namang mag-aakala na aabot ang away ng dalawa hanggang sa akusahan ng isa ang kalabang bansa ng pagnanakaw ng kanilang ulap at ulan.
Sa isang press conference, sinabi ni Iranian General Gholam Reza Jalali na ang nararanasang sobrang tagtuyot sa Iran ay bunga ng panghihimasok ng ibang bansa gaya ng Israel at hindi niya tinukoy na “another country”.
Nagtutulungan daw kasi ang mga bansang ito para masigurong ang ulap na papasok sa Iranian skies ay hindi makapagri-release ng ulan.
Marami ang nagulat sa pahayag na ito ni Jalali na maging ang sariling meteorological service ng Iran ay sinabing imposibleng magkaroon ng nakawan ng ulap at ulan.
Facebook Comments