Manila, Philippines – Bilang pakikiisa sa buong mundo sa taunang ‘Earth Day,’ ilang aktibidad ang inihanda ngayong araw ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Sinimulan ito ng bike parade na umarangkada kaninang alas-6:00 ng umaga mula sa Quezon City Memorial Circle papunta sa Harbour Square sa CCP Complex, Pasay City kung saan naman isasagawa ang pormal na seremonya.
Pangunahin sa mga Environmental problem na nais tuldukan ng ahensya ang plastic pollution kung saan nasa ikatlong ranggo ang Pilipinas na may pinakamataas na pinagmumulan ng talamak na paggamit ng plastic kasunod ng China at Indonesia.
Ito ay base sa 2015 report ng Ocean Conservancy and McKinsey Center for Business and Environment.
Maliban sa Metro Manila, mayroon ring mga aktibidad ang mga Regional Offices ng DENR ngayong ‘Earth Day.’