HULI | 15 milyong pisong halaga ng shabu, nasabat sa Maynila

Manila, Philippines – Nasabat ang nasa 15 milyong pisong halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa lungsod ng Maynila.

Naaresto ang drug suspect na isang alyas ‘Jason’, isang Chinese national, 37-anyos at nabawi ang tatlong pakete ng droga na may bigat na tatlong kilo.

Kinumpiska rin mula sa suspek ang sasakyan nito.


Ayon kay PDEA-NCR Director Ismael Fajardo – posibleng direktang kumukuha ang suspek sa isang bodega na pinagbabagsakan ng droga.

Limang taon nang nakatira sa Pilipinas ang dayuhan.

Inaalam pa kung konektado ang suspek sa isang malaking sindikato na nasa likod ng mga shabu laboratory at warehouse na nadiskubre sa Malabon, Batangas at Marikina.

Facebook Comments