Manila, Philippines – Nakiisa ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa pangunguna ni Manila Police District Director P/Chief Supt. Rolando Anduyan, kasama si District Director for Deputy Administration P/Sr.Supt. Marcelino Pedroso maging si P/Supt. Igmedio Bernaldez, Station Commander Police Station 5 sa isinagawang 33rd Annual International Coastal Clean Up na may temang “Sulong Maynila BAYanihan” sa paligid ng Baywalk, sa Roxas Boulevard Lungsod ng Maynila.
Ayon kay Chief Supt. Anduyan pinakalat nito ang mga pulis ng MPD para linisin ang mga basura sa paligid ng Baywalk na inanod ng malalakas na alon dulot ng nagdaang bagyong Ompong.
Paliwanag ni Anduyan mahalagang makita ng publiko ang mga pulis na naka-unipormeng Police na T-Shirt habang nagpupulot ng mga sangkaterbang basura sa Roxas Blvd. dahil hindi lamang sa larangan ng kriminalidad ang kanilang tinututukan bagkus ang kalinisan na rin sa kanilang nasasakupan.
Giit ng opisyal sa ganitong paraan unti unting maibabalik ang tiwala ng publiko sa mga pulis Maynila na handang tumulong at umagapay para mapanatili ang kaayusan,kapayapaan at lalung lalo na ang kalinisan sa Lungsod ng Maynila.