NAKIKIPAG-UGNAYAN | Simbahan, makikipagtulungan sa pamahalan kontra online sex abuse

Manila, Philippines – Nakikipagugnayan na ang simbahan sa gobyerno para sa mas pinagigting na kampaniya laban sa online sex abuse at lahat ng porma ng child violence.

Ayon kay Bishop Ruperto Santos, Head ng Commission on Migrants and Itinerant People, ngayong araw nakatakda ang Freedom Summit sa Victory Pioneer sa Mandaluyong City, kung saan tatalakay ang nasabing usapin.

Aniya, nananatili ang online sexual exploitation bilang isa sa mga problema sa bansa.


Lumalabas din sa mga isinagawang pagaaral na 72% ng mga rescue operation, ay kamaganak o mismong mga magulang ng mga bata ang nagtutulak sa mga ito na pumasok sa ganitong uri ng gawain.

Nakakabahala aniya na ang kawalang ng trabaho at kabuhayan ang nagtutulak sa mga tao na gumawa ng masama.

Dahil dito, naniniwala ang obispo na ang kailangan ng bansa, ay mas pinagigting na kampaniya kasama ang mga angkop na grupo at ahensya ng pamahalaan, at mas marami pa ang dapat mapanagot

Facebook Comments