Nahanap na ng Quezon City Police District (QCPD) ang lalaki sa viral video na nagbubukas ng kotse sa Katipunan Avenue.
Ayon kay QCPD Director Chief Superintendent Joselito Esquivel Jr., posibleng may diperensya sa pag-iisip ang lalaking pinangalanan lang na si alyas Onyok.
Aminado naman si Onyok na siya ang nasa video pero tinapay lang aniya ang pakay niya sa sasakyan dahil ilang araw na siyang hindi kumakain.
Bagaman may mga pinsan aniya siya sa Litex mas pinili niyang magpalaboy-laboy at mamalimos sa kalsada.
Facebook Comments