NAKIPAGPULONG | DFA, kinumpirma na may kinatawan na ng DOLE at OWWA sa Jeddah

Manila, Philippines – Tumulak na pa-Jeddah Saudi Arabia ang mga kinatawan ng Department of Labor and Employment at Overseas Workers Welfare Administration.

Layon ng augmentation team ng DOLE at OWWA na maharap ang mga reklamo at iba pang pangangailangan ng mga OFW sa kanlurang rehiyon ng Kingdom of Saudi Arabia.

Sa impormasyong ipinalabas ng DFA, nakipagpulong kay Jeddah Consul General Edgar Badajos ang nasabing team ng DOLE at OWWA para ipabatid ang kanilang pakay sa lugar.


Umaasa naman si Badajos na magiging mabunga at magtatagal ang pananatili ng augmentation team upang maasikaso ang lahat ng mga suliraninng kinakaharap ng mga kababayan nating mangggawa doon.

Matatandaan, sa Jeddah napaulat na may labing isang babaeng OFWs na nawala sa katinuan.

Sa nasabi ding lugar isinumbong ng isang mister sa senado na nawawala naman ang kanyang misis na OFW.

Facebook Comments