Manila, Philippines – Nagpaabot na ng pakikiramay ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamilya, kaibigan at mga kasamahan ng anim na pulis na namatay sa misencounter sa mga sundalo sa Samar.
Ayon kay AFP Chief of Staff, General Carlito Galvez, nagsagawa na sila ng joint at independent investigations kasama ang Philippine National Police (PNP) at tiniyak na magiging transparent ito.
Para naman kay AFP Public Affairs Chief Colonel Noel Detoyato, mayroong mga proseso at mekanismo na makatutulong na malaman ang dahilan ng misencounter.
Ani Detoyato, malalaman sa imbestigasyon kung sino ang nagkulang sa coordination.
Nanindigan ang AFP na isolated case ito at maayos ang kanilang relasyon sa PNP.
Sa kabila nito, siniguro ng AFP na walang mangyayaring cover-up.