DUMAMI | Bilang ng tourist arrival sa isla ng Boracay, tumaas pa

Manila, Philippines – Sa kabila ng nakaambang na rehabilitasyon, lumobo ang bilang ng tourist arrivals sa isla ng Boracay.

Base sa pinakahuling datos ng Caticlan jetty port, nasa kabuuang 99,729 na mga turista ang nagbakasyon sa isla mula noong Pebrero 1 hanggang 15, 2018.

Sa naturang numero, 70,876 ang mga foreigners; 26,827 ang mga domestic at 2,026 ang Overseas Filipino Workers.


Mas mataas aniya ito ng 17.7 percent kung ihahambing sa kaparehong taon noong 2017 kung saan nakapagtala ng 84,707 tourist arrivals. @Ë‘ I]d

Facebook Comments