NAKIRAMAY | Daan-daang residente ng Tanauan, nagpaabot ng huling pamamaalam kay Mayor Antonio Halili

Batangas – Daan-daang residente ng Tanauan City, Batangas ang nagparating ng huling pamamaalam kay Mayor Antonio Halili.

Suot ang damit na kulay dilaw, itim at puti, nakiisa sila sa isinagawang necrological mass para sa Alkalde sa St. John the Evangelist Parish.

Bitbit din nila ang ilang plakard at tarpaulin kung saan nakasulat ang panawagang hustisya para kay Halili.


Ang iba ang may nakatatak na:

“Kapag Mayor ka at ipapatupad mo ang batas marami kang masasagasaan. handa akong magbuwis ng buhay kung kinakailangan”

Isa sa mga katagang sinabi ng Alkalde noong siya ang nabubuhay pa.

Si Halili na kilala sa kanyang “Walk of Shame” campaign ay namatay sa pamamaril sa kasagsagan ng flag-raising ceremony sa munisipyo ng Tanauan noong July 2.

Facebook Comments