NAKIRAMAY | DFA nagpaabot ng pakikiramay sa kaanak ng OFW na nagpakamatay sa Saudi Arabia

Manila, Philippines – Ikinalungkot ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang napaulat na pagpapakamatay ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Saudi Arabia.

Kahapon ng umaga nang matagpuan ang hindi pa pinangangalanang OFW na isang furniture factory worker mula Pangasinan na nakabigti sa tinutuluyan nitong tahanan.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano nakikiramay ang ahensya sa naulilang pamilya ng OFW.


Sinabi naman ni Consul General Edgar Badajos na nagpadala na sila ng team sa police station na may hurisdiksyon sa kaso upang makakuha ng karagdagang impormasyon.

Nangako din ang ating konsulada na tutulungan ang naulilang pamilya ng OFW lalo na sa repatriation ng mga labi nito.

Nabatid na ito na ang ikalawang suicide incident sa western region ng Saudi Arabia.

Sa tala ng DFA mayruong milyong OFW sa Saudi Arabia at 250,000 sa mga ito ay naka base sa western region.

Facebook Comments