Manila, Philippines – Nagpaabot ng pakikiramay ang Malacañang sa pagpanaw ni dating U.S. President George H.W Bush.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo – kinikilala si President Bush sa kanyang foreign policy na nagbigay tuldok sa cold war.
Siya ay nanindigan para sa kalayaan kung saan sinabi nito ang mga katagang, “the anchor in our world today is freedom, holding us steady in times of change, a symbol of hope to all the world.”
Si Bush ay pumanaw kahapon sa edad na 94.
Idineklara naman ni U.S. President Donald Trump ang Disyembre a-singko bilang “National Day of Mourning”.
Facebook Comments