Manila, Philippines – Nakita na ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang mga inaalok na equipment ng Russia para sa bansa.
Ito ay matapos ang ginawang pagbisita ni Lorenzana sa Russia nitong nakalipas na mga araw.
Ayon kay Lorenzana, nabusisi ng kalihim ang mga inaalok na equipment sa isinagawang army exhibition sa Moscow.
Partikular aniya nyang nakita ay ang Mil Mi -17 helicopter, sub marine at mga Army equipment.
Pero ayon sa kalihim magpapadala sya ng mga tauhan mula sa Army, Navy at Philippine Airforce upang personal na makita ang mga nasabing equipment.
Mahalaga kasi aniyang mismo sila ang bumusisi ng mga bibilhing equipment dahil alam nila ang kanilang mga pangangilangan.
Bukod sa Russia tinitingnan rin ni Lorenzana ang mga bansang France, Germany, Sweden, Indonesia ar south korea para bumili ng mga kagamitan para sa AFP.
Ang pagbili ng mga kagamitan ay bahagi ng modernization program ng AFP.