IQ TEST | Senator Trillanes, hinamon si Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Hindi pinalampas ni Senator Antonio Trillanes IV ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na mababa ang kanyang talino o ang tinatawag na intelligence quotient o IQ.

Bilang ganti ay hinamon ni Trillanes si Pangulong Duterte na sumailalim sa IQ test.

Pangako ni Trillanes, magbibitiw sya sa pagka-Senador kapag mas mataas ang nakuhang score ni Pangulong Duterte sa kanya sa IQ test.


Giit pa ni Trillanes, si Pangulong Duterte ang mahina umano ang kokote kaya wala na itong maisip na solusyon sa mga problema ng bayan.

Facebook Comments