NAKITAAN | Posibleng paglabag sa standard operating procedure sa nangyaring misencounter sa Samar, sinisilip ng AFP

Nakitaan ng Armed Forces of the Philippines – Board of Inquiry (AFP-BOI) ng posibleng paglabag sa standard operating procedure (SOP) ukol sa nangyaring misencounter sa pagitan ng mga pulis at sundalo sa Sta. Rita, Samar.

Matatandaang 6 na pulis ang namatay at 9 na iba pa ang nasugatan nang magkaputukan ang militar at miyembro ng PNP 805th Regional Mobile Force Battalion sa gitna ng patrolya.

Ayon kay BOI Chairman, LT/Gen. Rafael Valencia – hindi pa tiyak kung kaninong panig nagmula ang posibleng paglabag.


Dagdag pa ni Valencia, magkakaroon din ng deliberasyon bukas, July 2 kasama ang Philippine National Police (PNP) kaugnay ng ginagawang imbestigasyon.

Inaasahang lalabas ang report ng BOI sa Miyerkules, July 4.

Facebook Comments